Tuesday, March 20, 2007

Kissing scene nila Robin at Angel, sa Thailand kukunan

Kung hindi babaguhin ang plano ay ngayong araw, Martes, sa Changmai,
Bangkok kukunan ang most awaited kissing scene nina Robin Padilla at
Angel Locsin para sa programang Asian Treasures.

Tsika sa amin ng production staff ng AT mula sa Bangkok,
Thailand, "As of now, we're waiting for the train going to Changmai,
nasiraan kasi, supposedly dumating ang train namin ng 12 noon
(Sunday) kaya alas tres na ng hapon kami nakaalis.

"The trip was good, walang hassles, wala rin kaming tulog lahat kasi
lagare, masaya lahat."

Nagkagustuhan na raw kasi sina Binoe at Angel sa istorya kaya't may
kissing scene na at aabangan din daw ang reaction ng aktres sa
nasabing eksena.

"They're okey, in fact kapag nagbibigay si Robin ng stuff kay Angel,
may pasalubong din si Angel kay Robin, so sa nakikita namin, they're
okey at hindi totoo `yung iniiwasan ni Angel si Robin, that's not
true," kwento pa sa amin.

At natuwa ang lahat dahil lumabas na kalaban ng aktor sa fight scenes
ay ang fight instructors ng mga pelikulang Ong-Bak at Beautiful Boxer
na hindi namin nakuha ang names.

"Overwhelmed si Binoe because pinuri-puri nung dalawang instructors
ang Pinoy, magagaling daw sa martial arts. Kaya hindi rin nahirapang
i-direk," dagdag kwento pa sa amin.

Supposedly, March 23 ay pabalik na si Robin ng Maynila, pero magi-
stay siya `til March 26 dahil birthday ng kanyang mahal na inang si
Mommy Eva CariƱo.

"Uy, behave ang Binoe dito, no hanky-panky kasi he's with his two
kids, magkakasama sila sa hotel," dagdag tsika pa uli sa amin.

1 comment:

Anonymous said...

This is a nice blog.. The site txtmate.comoffers free sms in the Philippines.
Find your soulmate.
Download Mobile games!