Wednesday, March 28, 2007

Katrina, Proud sa Hinaharap

KAPANSIN-PANSIN sa TV plug ng Lupin ang kasuotang two-piece ni Katrina Halili. Lutang na lutang ang hubog ng kanyang katawan, umbok ng dibdib at tambok ng bandang ibaba ng katawan niya.

Pansinin man ‘yon sa plug, hindi naman maiwasang masita ang kapayatan ng kanyang mga braso’t hita, huh!

"Nagda-diet po kasi ako dahil lagi akong naka-two piece sa Lupin. Mahirap naman po ‘yung mataba ako sa mga eksena kong ‘yon.

"Minsan nakakainis dahil panay ang diet ko. Kapag naniinis ako, deadma na lang ako. Kakain talaga ako kahit malaki ang tiyan ko sa TV. Ha! Ha! Ha!" sabi niya.

Bakit siya pumayag na ipakita ang kanyang katambukan?

"Ha! Ha! Ha! Ano ba kayo? Ha! Ha! Ha!

"Ang sinabi lang sa akin, sexy ang role ko. Parang Angelina Jolie sa Mr. & Mrs. Smith. Nu’ng nagti-taping na kami, doon ko lang nalaman na halos lagi akong naka-two piece.

"Okey lang naman dahil sa Majika, parang naka-two piece rin ako. May tali lang nakalagay sa damit ko," sabi niya.

Hindi ba siya nahiya kay Richard lalo na’t first time niyang makasama ang guwapong aktor?

"Noon una, medyo nahihiya po. Iba naman kasi ‘yung pictorial na medyo naka-two piece ka. Konti lang ‘yung tao.

"Iba naman ‘yung taping. Ang daming tao diyan. Mga nag-iilaw, cameraman. Ang daming tao habang umaarte ka o tumatakbo. Iba po ‘yon. Medyo nakakailang nu’ng una pero nu’ng tumagal, nasanay na po ako.

"Saka nagtatapis naman ako bago mag-shoot. Pag take na lang, saka ko tinatanggal," pahayag niya.

Wala bang nagagalit sa suot niya? Eh, si Mark (Herras)?

"Ha! Ha! Ha! Wala naman pong nagagalit. Wala akong boyfriend. Loveless po ako!" say ni Katrina.

Wala bang malisya ang tingin sa kanya ni Richard kapag ganoon ang suot niya?

"Wala po. Biru-biruan lang po kami. ‘Uy, sexy naman ng mga kasama ko. Suwerte ko naman!’ Mga ganoon lang. Biro lang," sagot niya.

Hindi ba siya nagka-crush kay Richard?

"Crush? Matagal ko na po kasi siyang nakikita sa Channel 7. Nu’ng una siyempre, oo pero. Huwag na nating gawin isyu. Tama na! Ha! Ha! ha!

"Sino ba naman ang hindi magkaka-crush kay Richard, guwapo naman siya. Wala, friend lang kami," dagdag pa niya.

Naku, after Lupin, sex object na talaga ang tingin sa kanya.

"Hindi naman po siguro. Sexy kami rito pero astig ang dating. Hindi ‘yung sexy na sasayaw-sayaw. Hindi cheap. Sobrang ganda," rason niya.

Pero kaya ba niyang agawin si Richard kay Georgina Wilson?

"Ha? Naku, hindi ko kaya ‘yon. Hindi naman ako pretty. Hayaan mo na sila. Hindi ko kayang mang-agaw! Masasaktan ako! Ay!" say pa niya.

Teka, ano na ang nangyari sa sakit niya sa lalamunan? Hindi ba siya naaalarma na hanggang ngayon ay may bukol pa siya sa leeg?

Bakit hindi pa niya ito pinagagamot?

"Pinapagamot ko naman. Pero, marami kasing dumarating na trabaho kaya hindi ko pa mapatanggal. Malapit na naman po ang Holy Week. Baka masingit ko.

"Minsan, mahinang-mahina ako. Parang may trangkaso. Minsan naman, ang lakas-lakas ko. Inaatake lang ako. Sobrang bigat ng katawan ko.

"May infection kasi ako sa lalamunan ko. Dahil sa infection, nagkaroon ako ng lymph nodes. ‘Pag may ganyan ka, may sugat ka raw. Eh, may infection ako. Nagasgas kasi. Sa sobrang lakas ng boses ko, minsan kasi, kanta ako nang kanta. May mga raket kasing dumarating! Tapos sisigaw

2 comments:

Anonymous said...

This is a nice blog.. The site txtmate.comoffers free sms in the Philippines.
Find your soulmate.
Download Mobile games!

Anonymous said...

Katrina Halili is so beautiful but careless in her affairs with men.. Better luck next time...