Tuesday, March 20, 2007

Dennis, May Bagong Negosyo


Gusto ni Dennis Trillo na magkaroon ng fallback sakaling di na ito
aktibo sa showbiz kaya nagtayo siya ng negosyo. Kasama niya ang mga
kaibigang sina Katrina Halili, Allan K. Alfred Vargas, Diana Zubiri,
itinayo nila ang Barraks sa may Morato.

"Para itong Pier One na tambayan ng magkakabarkada kapag gustong
gumimik. Nakatakda kaming magbukas after Holy Week," aniya.

Sa kabilang banda, natupad na rin ang pangarap nitong maging isang
recording artist.

Nakalabas na ang kanyang unang CD under Indi Music na pag-aari nina
Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

1 comment:

Anonymous said...

This is a nice blog.. The site txtmate.comoffers free sms in the Philippines.
Find your soulmate.
Download Mobile games!