Wednesday, May 2, 2007

Heart at Jericho solid ang relasyon


PAALIS this Wednesday si Heart Evangelista para sa concert with the APO and Nanette Inventor. Sa Adrian Phillips Ballroom sa Boardwalk Hall ng Atlantic City, New Jersey, sa May 5 at sa GW Lisner Theater sa Washington D.C. sa May 6.

Bibisitahin na rin niya ang sister niya sa San Francisco bago bumalikng 'Pinas sa May 12.

Hindi niya kasama si Jericho Rosales sa Amerika't busy din ito at 'di
sila laging magkasama dahil ayaw ng boyfriend.

"I respect that he's everyone's leading man. Ayaw kong ipakita para ma-reach out niya ang girl fans," sabi ni Heart.

Solid ang relasyon nina Heart at Jericho ngayon, pero may kanya-kanya
pa rin silang buhay, gaya nang gustong magtayo ng resort sa San Fernando, La Union ng actress.

Dream ito ng actor, pero siya ang gagawa. Excited naman siya sa malapit nang matapos na bahay ng actor sa may Loyola Grand Villas at sana raw sa birthday nito sa September ay makalipat na.

Okey kay Heart na pagtatambalin sina Jericho at Sarah Geronimo sa
musical soap ng ABS-CBN. Siya naman, ipinapareha kina Geoff Eigenmann sa Hiram at John Prats at sa gagawing variety show, iba rin ang makakasama.

Kinumpirma nitong nagkikita sila nina Kristine at Diether 'pag nagsisimba sila ni Jericho sa New Life Church sa Alabang.

"Hi lang ang batian namin at nagbebeso-beso, pero 'di kami super tsika
dahil hindi kami masyadong close ni Kristine," kuwento nito.