Saturday, December 16, 2006

Sam at Anne Mag-on?


Heto ang balitang siguradong nakarating na sa ’yo. Mag-on na raw sina Anne Curtis at Sam Milby. Kung tutuusin, ’di na ito kataka-taka. ’Di ba, may kasabihang constant togetherness breeds romance? Well, thrice a week pala kung mag-taping ang dalawa for the ABS-CBN teleserye, Maging Sino Ka Man. Eh, nagkataon pang nasa parte na sila na nag-iibigan. Kaya natural, nagiging more and more intimate ang kanilang mga eksena’t nauwi na raw ngayon sa totohanan. Kung sabagay, maraming things in common sina Anne at Sam. They are both in their early 20s. Both have Filipino mothers at amang banyaga. Australian ang father ni Anne, si Sam naman, Amerikano. Bukod sa kanilang dalawa, stars din ng Maging Sino Ka Man sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

2 comments:

Anonymous said...

bagay talaga sila!

Anonymous said...

SANA NGA SILANG DALAWA NA.