Saturday, December 16, 2006

Mark Herras at Katrina Halili, mag-on?

Nadatnan namin sina Mark Herras at Katrina Halili kahapon sa Baang Coffee Shop (Morato Ave., QC). Kagagaling lang nila sa SiS, kung saan ay nag-promote sila ng Super Noypi.Sa una ay deadma lang kami na magkasama sila sa lugar na ‘yon. Baka kasi nagutom lang sila after nilang mag-promote ng Super Noypi, kaya nagkayayaan silang kumain.Pag-alis nila ay saka namin na-realize na nali-link nga pala sila sa isa’t isa. Ang tsismis ay sila na. Nag-isip-isip tuloy kami. Sa mga kilos nila, aba, parang mag-on na sila.Si Katrina kaya ang dahilan kaya wala na sina Mark at Nicole Anderson?Tinext namin si Nicole para ipaalam na nakita naming magkasama sina Mark at Katrina.Puro "hahaha" lang ang text back sa amin ng anak ni Jean Saburit.Sa pangungulit namin kay Nicole sa text ay heto ang text back niya sa amin, "Ok! I really don’t care. Hahaha. He’s so yesterday na kaya!"

No comments: