Wednesday, December 27, 2006

Jennylyn at Polo, nagde-date?

Hindi naitago ni Jennylyn Mercado ang inis sa bagong issue na
kumakalat na more than friends daw sila ni Polo Ravales.

"Friends lang kami ni Polo," madiin na sabi ng aktres, sabay dagdag
na ayaw na niya ng mga issue tungkol sa kaniyang love life na hindi
naman totoo.

Hindi rin alam ni Jen kung saan nagsimula ang tsismis na ito, pero
si Polo may hinala. Sa tingin ng aktor, baka raw nagsimula ito nang
suportahan siya ng mga fans ni Jen nung magguest siya sa All Star K!
At lalong nagtataka ang binata dahil hindi naman raw si Jen ang
sumuporta kundi mga fans.

Ayon pa kay Polo, malabong maging sila ni Jen dahil parang kapatid
lang daw ang turing niya sa dalaga.

"Tahimik na ako ngayon," wika ni Jennylyn. "Ayoko na ng ganung
issue."

No comments: