Saturday, December 23, 2006

Gerald Anderson's interview about Farina Runkle


Ang pictures nila ng sinasabing ex-girlfriend niya na si Farina Runkle ang una naming itinanong kay Gerald Anderson nang matsika namin siya kahapon nang tanghali sa pocket presscon ng teleseryeng Sana Maulit Muli sa 9501 resto sa ABS-CBN.

Si Farina ang girl na katabi, kayakap at kahalikan ni Gerald sa mga photos o pictures na kumalat sa internet.

Ang sabi-sabi ay naging syota ni Gerald si Farina, na kasama sa mga nag-audition sa StarStruck The Next Level ng GMA. Napili ito sa top 20 girls pero hindi na pumasok sa final 10 girls.

"Naging close lang po kami nu’ng nagkasama kami sa auditions ng PBB Teen Edition, nu’ng bago ako pumasok sa Bahay ni Kuya…

"Parang papunta pa lang po kami roon (sa boyfriend-girlfriend relationship) pero hindi po naging kami. Siguro, parang MU (mutual understanding) lang.



"Parang medyo nag-iba po siya nu’ng napili ako at siya, hindi. Ewan ko po sa kanya kung bakit," dayalog ni Gerald sa kanyang signature Tagalog na may accent na pinagsamang Bisaya at Ingles.
Kung hindi sila naging magsyota eh, bakit ganu’n ka-sweet ang pictures nila? Magkaibigan lang ba ‘yung nagli-lips-to-lips?

"Ay, hindi po, hindi po talaga! Kung naging girlfriend ko po siya, aaminin ko po. Nagulat nga po ako paglabas ko ng Bahay ni Kuya na may mga pictures na gano’n. Pero okey lang po sa akin. Alam ko naman po ang totoo, eh!" bulalas ni Gerald.

Ang dating no’n ay ginagamit lang siya nu’ng girl na ‘yon para pag-usapan ito at mapansin. Anong feeling niya rito?

"Gawin niya kung anong gusto niyang gawin, okey lang sa akin! Basta, alam ko naman ang totoo, eh! Alam ko naman na hindi talaga naging kami.

"Parang mali po ‘yon (na nilabas ni Farina ‘yung mga picture), pero anong magagawa ko eh, lumabas na, di ba? Kahit may pictures po na gano’n, hindi po talaga naging kami. Kung naging ex ko po siya, aaminin ko naman, eh!" mariing pakli ng 17 y/o Fil-Am bagets.

Ayon kay Gerald ay mga 1½ months silang nagkakilala ni Farina at mga 3 weeks din silang naging close. Hindi siya sanay sa pangalan na Farina dahil ‘Sharleen’ ang tawag niya rito noon (Sharleen Farina Runkle ang complete name nu’ng girl).

Agree ba siya na ginagamit lang siya ni Farina para pag-usapan ito?

"Hindi naman po. Ayoko naman po sabihin ‘yon. Ewan ko kung anong gusto niyang gawin!" sey niya.

May nakapagsabi kay Gerald na nu’ng nasa loob siya ng PBB house ay doon inilagay ni Farina ang pictures nila sa Friendster account nito.

Mula nu’ng pumasok siya hanggang sa makalabas ng Bahay ni Kuya ay hindi na raw niya ito nakausap. At kahit ngayon na may kumalat na ganitong isyu ay wala pa rin siyang balak hanapin at kausapin pa si Farina.

"Hindi na po. Kasi, ayoko na po, eh! At saka ‘yun nga po… nag-iba na siya, eh! So, bakit ko siya kakausapin kung ayaw niya, di ba?

"Okey na po ‘yon sa akin. Matagal na po ‘yon, eh! Nu’ng nasa Bahay ni Kuya pa ako, pinasok pa ‘yon (pictures) sa loob at ipinakita sa amin. So, okey lang!"

Kita sa nasabing larawan na mariin ang pagkakahalik niya sa labi ni Farina at tipong feel na feel niya ang ginagawa nila. Naku, hindi pala siya wholesome, huh!

"Hindi po, hindi po ganu’n! Ha! Ha! Ha!" tawa niya, na tipong nagba-blush at nahihiya sa pang-iintriga namin sa kanya.

"Ako po kasi, ayokong mambastos ng babae. May gusto siya sa akin; ako rin, gusto ko rin siya noon. Hindi naman ako makikipag-kiss sa girl kung wala akong gusto sa kanya, di ba?" hirit niya.

So, hanggang kiss lang ba sila?

"Opo! Ha! Ha! Ha!" sagot niya, na shy effect pa rin at payuku-yuko at pailing-iling.

Natuwa ba siya na hindi nakapasok sa Final 10 female survivors ng StarStruck The Next Level si Farina?

"Hindi naman po. Happy ako sa kanya na nakasali siya roon. Pero hindi po ako natutuwa na na-eliminate siya. Okey lang po sa akin. Siguro, may dahilan kung bakit siya natanggal or something."

Baka ngayon ay may bago na naman siyang girlfriend na any moment ay pwedeng maglabas ng intimate pictures nila…

"Ay, wala po! Wala akong girlfriend now. 100% sure po ako! Kung may pictures po ako ulit na lalabas, siguro kahit na anong gusto n’yong gawin sa akin, gawin n’yo na! Pero 100% sure po ako na wala," tila naghahamong sambit pa ni Gerald.

2 comments:

Anonymous said...

grabe . . kapal talaga mukha ni farina. . .. kadiri. . .di naman kayo bagay. . . basta ako KIMERALD lang. .

Anonymous said...

Liar si Gerald... Eh ano naman ung lumabas na pic Nya with pauleen luna ngayon naman eh ung nonshowbiz girl na kept gf Nya, kunyari nililigawan pa si Sarah! liar!