Thursday, December 28, 2006

Kristine Hermosa - nag suplada sa bazaar tiangge

WELL, delusions of grandeur talaga ang sakit ng karamihan sa ating mga
artista.

Perfect example daw itong ABS-CBN talent na si Kristine Hermosa na
kinairitahan ng fans at security people sa bazaar-tiangge ng
celebrities kamakailan sa World Trade.

Kung ang ibang artista raw ay talaga namang go talaga roon para
personal na i-meet ang kanilang mga tagahanga at ibenta ang kanilang
goodies, itong girlfriend ni Diet ay feeling Greta Garbo raw na
super-tago kapag nagpupunta sa kanyang booth dahil ayaw na ayaw
ni-yang nakikita siya ng kanyang mga tagahanga dahil tiyak na
mapapagod daw siya sa kapipirma ng autograph at pakikipag-pose for
souvenir photos.

Ha! Ha! Ha! The nerve! Para bang sikat na sikat pa siya gayung iisa na
lang yata ang kanyang pro-duct endorsement.

Ha! Ha! Ha!

Anyway, hindi nagtapos doon ang lahat. Dahil nairita sa kanyang
obno-xious prima-donna demeanor, sinigawan daw ng mga fans at security
guard ang aktres ng, "Laos!" Ha! Ha! Ha!

Pa'no naman, sigawera raw ang tisay na `to at kung makapagtaray sa mga
sikyu ay para bang siya ang nagpapasuweldo sa kanila. Ha! Ha! Ha!
Hayan, naokray tuloy.

Buti nga. Dapat talaga sa mga artistang tulad ni-yan ay tinuturuan ng
lek-syon.

Source: Pete Ampoloquio, Jr.

2 comments:

Anonymous said...

hi kristine,alam mo super duper ka sa ganda!sana magmana sayo ung baby dinadala ko ngayon,lagi ko tinitingnan pix mo,pero saan naman wag ka mag suplada,para maraming opppurtunities pa anag dumataing syo,gudbless,.

Anonymous said...

hi kristine,alam mo super duper ka sa ganda!sana magmana sayo ung baby dinadala ko ngayon,lagi ko tinitingnan pix mo,pero saan naman wag ka mag suplada,para maraming opppurtunities pa anag dumataing syo,gudbless,.