Showing posts with label Yasmien Kurdi. Show all posts
Showing posts with label Yasmien Kurdi. Show all posts

Sunday, January 7, 2007

Yasmien hindi bongga ang debut

Magdaraos na ng kanyang debut si Yasmien Kurdi kaya excited na siya
pero hindi bongga ang magiging selebrasyon. Mas type niyang mag-
swimming party na lang kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Yasmien dahil nakilala siya nang
husto sa Bakekang. Dito niya naipamalas na may ibubuga talaga siya sa
akting laluna sa drama.

Natupad na rin nito ang pinakamahalagang regalo sa kaarawan at ito ang
pagkakaroon ng second album. First love niya ang singing at enjoy
kapag kumakanta.

Starstruck Ultimate Poll

I've made a poll for Starstruck Batch 1, 2 & 3 since the Next Level have these Ultimate Titles, why don't we also give it to the old batch... so start voting now!
















Create polls and vote for free. dPolls.com

This Poll will end on January 11, 2007

Thursday, December 14, 2006

Yasmien Kurdi, willing magpa-sexy!


November 30 sana ang photo shoot ng sexy pictorial ni Yasmien Kurdi. Nakahanda na ang sexy outfits at ang konsepto, pero biglang nag-back out ang dalaga.

Hindi raw siya pinayagan ng kanyang mga magulang nang malaman nila na para sa isang men�s magazine ang pictorial, kung saan cover girl dapat si Yasmien. Ayon pa sa kanya, kung ano mang giyera ang dinaranas ng South Lebanon ngayon, ganun din ang mangyayari kung malaman ng dad niya na nagpa-sexy siya para sa isang men�s magazine.

Pwede pa rin naman daw magpa-sexy ang aktres--basta hindi sa men�s magazine.

Mabentang-mabenta rin si Yasmien ngayon sa mga roles kung saan pinapapangit siya. Bukod sa Bakekang, lalabas rin siya sa Magpakailanman bilang isang babaeng hindi gaanong kagandahan.

Masaya at kinikilig rin ang dalaga ngayon dahil siya ang mag-i-interview sa kaniyang favorite Korean actor na si Kwon Sang-woo, na mas kilala as Cholo mula sa Koreanovela na Stairway to Heaven. Sa sobrang tuwa nga ni Yasmien, napatili raw ito sa set ng Bakekang nang malaman niya na siya ang napiling sa nasabing interview.



Why not? Baka matalbugan nya pa yung mga naunang lumabas na sa men's magazines.
source