Showing posts with label Gladys Guevarra. Show all posts
Showing posts with label Gladys Guevarra. Show all posts

Monday, January 8, 2007

Chuchay pinagdududahan ang pag-alis sa Eat Bulaga

Health reason ang ibinigay na dahilan ni Gladys Guevarra sa
resignation letter sa Eat Bulaga last Friday.

Hindi na ito nag-elaborate at 'di na rin nagtanong si Malou Choa-
Fagar at ang Tape, Inc. at tinanggap na lang ang pagbibitiw nito.

May mga hindi naniniwala sa rason ni Gladys, lalo't tumanggap siya
ng show sa GMA-7. Paano raw siya makapagpapahinga kung magti-taping
siya ng Magic Kamison?

Kaya ang press, dinidiskubre ang mas malalim na dahilan ng move ni
Gladys, gaya ng kung may nakaaway ito sa hosts ng show o kung may
iniiwasan.

Hopefully, hindi niya ititigil ang pagkanta dahil marami ang makaka-
miss kay Chuchay (isa sa pinasikat niyang characters).