Wednesday, February 14, 2007

Robin's daughters idolize Angel



Aalis si Robin Padilla at ihahatid ang dalawang anak na sina Queenie (14 yrs. old) at Kyle (13 years old) sa Thailand para mag-aral ng Muay Thai. Kasama rin nila si Mommy Eva na makakasama ng dalawang bata habang nag-aaral ito roon. Tatlong araw naman ang ilalagi ni Binoe at uuwi rin agad dahil nagti-taping ito ng Asian Treasures.

Sa March 11 ay aalis sina Angel Locsin at Binoe patungong Thailand, Mongolia at China para mag-taping. Isang buwan silang mananatili run.

Fan na fan pala ni Angel sina Queenie at Kyle at kapag nanonood sila ng taping ay pinapalakpakan nila ang aktres pagkatapos ng mga eksena.

Sinabi ni Binoe, malambot ang lips ng aktres at saludo siya sa galing nito sa maaksyong eksena dahil malakas ang loob sa mga stunts.

Binigyan ba ni Binoe ng Valentine’s gifts si Angel?

"Ba’t ko siya bibigyan ng regalo wala naman kaming relasyon? Gusto ba ako ni Angel?" tanong ng aktor.

No comments: