Friday, February 16, 2007

Dennis Trillo : All Out Of Love

Ilo-launch sa SOP sa February 25 ang first single release ng debut

album ni ng Dennis Trillong na "All Out of Love," original ng Air
Supplyo at ginamit sa TVC ng napkin endorsement ng actor at ex-
girlfriend ni Derek Ramsey. Sa March 11 naman ang official launch ng
album under Indi Music nina Regine Velasquez, Leo Dominguez at Ogie
Alcasid.

Dapat, March 5 ang launching, kaya lang sa Bacolod gagawin ang SOP
at no choice ang mga producer kundi i-move sa ibang petsa ang
special occasion sa buhay ng actor. Bago pa man ang launching ng
single at album, tumutugtog na sa radio ang first single at maganda
ang pagtanggap ng listeners.

Tagalog at English songs ang nakapaloob sa 11-track album at kasama
ang revival ng "Love Is All That Matters." May duet din si Dennis at
Regine, ang "Magtatagpong Muli" na nagbigay ng matinding nerbyos sa
actor dahil Asia's Songbird ang ka-duet niya.

Samantala, sobrang happy si Dennis sa mataas na rating ng Super
Twins sa Monday at Tuesday episode. Obvious na na-miss siya ng
primetime viewers dahil kahit naka-maskara siya ay sinusubaybayan pa
rin.

No comments: