Monday, February 26, 2007

Anne Curtis covergirl ng UNO mag


Muling nag-pose sa mapangahas na pictorial bilang sexy cover girl si Anne Curtis para sa isang men’s magazine.

Ayon sa report, hindi na bago para kay Curtis ang mag-pose na suot lamang ay mga bikini.

Marami umanong natatanggap na alok si Curtis para maging sexy cover sa ibang men’s magazine pero nagustuhan niya ang "high fashion concept" ng magazine na kanyang napili.

Ipinagtataka naman ng marami kung bakit nananatiling single pa rin ang sexy young actress na nagdiwang kamakailan ng kanyang ika-22 na kaarawan.

Sa kaarawan ni Curtis, sinorpresa siya ng non-showbiz na manliligaw na si Erwin Genuino na itinuturing naman ng aktres na isang kaibigan.

“Right now, I’m just happy being alone--but not lonely," pahayag ni Curtis.

Gusto namang tapusin ni Curtis ang isyung nagkakamabutihan sila ni Sam Milby.

“As I’ve said a million times already, we’re just friends,” sabi pa nito.

Hindi pa umano handa si Curtis na pumasok sa isang relasyon kung hindi naman iyon tunay na para sa kanya.

“Hindi na ako makikipag-boyfriend, if he’s not the one na," paliwanag nito.

1 comment:

Anonymous said...

This is a nice blog.. The site txtmate.comoffers free sms in the Philippines.
Find your soulmate.
Download Mobile games!