Monday, January 22, 2007

Relasyong Pauleen-Marvin saan mapupunta?

Emosyonal din si Pauleen Luna nang mag-guest siya sa Startalk nu'ng
Sabado.

Aminado siyang may problema sila ni Marvin Agustin at mukhang
matutuloy sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.

Dumating na sa puntong puno na ang magulang ni Pauleen kay Marvin
dahil sa mga nakita nilang hindi magandang pakikitungo nito kay
Pauleen.

Hindi ito naitago sa ina ni Pauleen dahil hawak na nito ngayon ang
cellphone ng young actress.

Hinihigpitan na nila ito ngayon kay Marvin at ang huling narinig ko,
mismong ang ama na ni Pauleen ang nakiusap sa young actress na
hiwalayan na ang aktor.

"Mas pinapaniwalaan ko ang mother's instinct at alam kong hindi
nararapat si Marvin sa anak namin. Pinagbigyan ko rin naman sila
noon at pinapakisamahan namin siya nang husto, pero napuno na ako
dahil hindi ko na gusto ang nakikita ko," pahayag ng mommy ni
Pauleen.

Maraming mga bagay na ngayon na nakikita ang ina ni Pauleen kay
Marvin na hindi nito nagustuhan.

Matagal na raw niya itong pinapalagpas at hinahayaan na munang
makita ito ng kanyang anak. Ngunit mukhang nabulagan na ang dalaga
kaya nagdesisyon na ang magulang ni Pauleen na ilayo ito kay Marvin.

"Alam kong mabait si Pauleen na anak at kami pa rin ang pipiliin
niya. Alam kong paninindigan pa rin niya na ang priority niya sa
buhay ay ang Diyos, ang pamilya niya at ang career," patuloy ng
Mommy ni Pauleen.

Kahit masakit sa young actress ang makipaghiwalay kay Marvin,
kailangan niya itong gawin para sa kanyang pamilya.
source: Abu Tilamzik

Mother knows best!

1 comment:

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!