Thursday, December 28, 2006

Dream Engagement Ni Angel

Sa pagdaan ng mga taon ay naging stable ang relasyon nina Angel Locsin
at Oyo Boy Sotto at di naapektuhan ang kanilang pagmamahalan ng kahit
anong intriga. Pero malayo pa silang magpakasal dahil marami pa silang
pangarap na nais matupad.

Tinanong namin si Angel kung ano ang gusto niyang pamamaraan sakaling
i-announce ang kanilang engagement ng nobyo.

"Gusto ko yung bumababa ako sa isang magandang hagdan at nasa ibaba
naman si Oyo para salubungin ako. Parang debut ang drama," sabay
halakhak nito.

No comments: