Sunday, December 10, 2006

Biboy Ramirez defends Jackie Rice

Biboy Ramirez defends Jackie Rice

Biboy claims that it's not true that Jackie asked her mom to leave their house.

Rose Garcia | Monday, December 11, 2006

Nasa Makati Medical Hospital si Biboy Ramirez noong Sabado, November 9, nang mag-reply ito sa (PEP) Philippine Entertainment Portal sa pamamagitan ng text message noong una at ‘di kalaunan ay tumawag na rin to clear the issue on him and his rumored girlfriend StarStruck Batch 3 Female Ultimate Survivor, Jackie Rice.

Ayon kay Biboy, napasugod daw siya sa hospital dahil sa isang non-showbiz friend na nasa critical condition. Pero ayaw na nitong pag-usapan pa yun at masulat dahil hindi naman daw artista ang kaibigan.

Bago tumawag si Biboy, nag-text muna ang PEP sa kanya para alamin ang side niya kung totoo ngang nag-away at umabot pa sa pisikalan ang naging engkuwentro ni Jackie at ng mommy nito na si Vicki Sobreo.

Ang isyu kasi ay hindi raw pabor kay Biboy ang mommy ni Jackie. Ang gusto raw ng ina para sa anak ay ang kapareha ni Jackie sa Tatlong Baraha na si Maynard Lapid, anak ni Senator Lito Lapid. Ang ending, ayon sa mga nasusulat, pinalayas daw ni Jackie ang sariling ina sa bahay nito sa Manila.

"Walang tumama, swear to God! Saang planeta naman nanggaling ‘yan?" natatawang sagot ni Biboy na unang napanood sa mga youth-oriented show na Besfriends at Click ng GMA-7 at naging first runner-up din sa reality-based show na 30 Days.

On the other hand, hindi naman itinanggi ni Biboy na nagkaroon nga ng pag-aaway between Jackie and her mom.

"‘Yun, totoo yun!" sabi ni Biboy. "Nagkaroon nga sila ng konting away or nagkasagutan, pero hindi naman umabot sa pisikalan or nagkasakitan na sila. Walang ganoon. At saka yung isyu naman nila, family matters... Usual na nagkakaroon ng tampuhan or diskusyon ang magulang at anak, but it has nothing to do with me."

Ayon pa kay Biboy, na kasalukuyang napapanood sa telefantasya na Atlantika ng GMA-7, wala raw siyang problema sa buong pamilya ni Jackie.



"Okey naman ako with her family...Sa mommy at sa daddy niya. At kahit sa mga kapatid ni Jackie, maayos, walang problema."



Bilang pagtatanggol pa rin kay Jackie, pinabulaanan din ni Biboy ang isyung pinalayas ni Jackie ang sariling ina kaya naman nasa Olongapo na naman daw ito instead na kasa-kasama sana ng young actress dito sa Manila.



Paliwanag ni Biboy, "Hindi naman totoo ‘yon. Hindi pinalayas ni Jackie ang mommy niya. Ang mommy niya talaga ang gusto munang umuwi ng Olongapo dahil marami pa ring kapatid si Jackie na mas bata sa kanya na dapat alagaan ng mommy niya, tutal naman, ‘yung daddy niya, kasama na rin ni Jackie rito sa Manila.



Dagdag pa niya, "At saka, alam ko, okey naman sila. Nagte-text-an naman sila at nagtatawagan."



Nang taunungin kung ilang months na ang itinatagal ng relasyon nila ni Jackie, natawa lang si Binoy at nakiusap na huwag na lang daw yun pag-usapan.


source

No comments: