Well, dear, ang talipapa boy na si Mark Herras ay na-shock ever dahil na-traumatize sa sosing lifestyle ng sosyalerang si Nicole Anderson.
Nasanay na kasi siya sa squatteric beauty ni Jennylyn Mercado na isaw lang at lugaw ay solved na, nagkaroon siya ng culture shock (with his enormous earning capacity, huh?) nang maging dyowa niya si Nicole Anderson at dalhin siya nito sa mga de klaseng lugar na ang karaniwang payzung nila ay P5 to 10 thou.
Ang ending, give-up kaagad si Talipapa boy (na Madam Curie namang tunay at nasanay siguro sa mga vaklitas na sila ang may-I-spend sa kanya) dahil tumatayo at nanga-ngalisag ang kanyang balahibo (hindi ang nota, ha! Ha! Ha! Ha!) sa laki ng kanyang expenses.
Of course, on the starlet's side, defensive naturalmente siya. Hindi naman daw true na niyayaya niya sa mga expensive venues ang baduy ang taste na si Mark. Talaga lang daw sigurong they are not meant for each other tienes.
Mang-charot ba? Ha! Ha! Ha!
Tell that to the marines and they won't even believe you. Ha! Ha! Ha! At any rate, mahihirapan na sigurong makahanap ng tulad ni Jennylyn Mercado si Mark baby na mababaw lang ang kaligayahan.
Palibhasa'y galing din sa hirap (maniniwala ba kayong dati-rati'y sa Jollibee naghihilamos si Mercado at doon na rin nagsi-CR? Panahon ito ng kanyang pangdarahop at pagiging veritable starlet), it's so easy to please Jennylyn. One thing na hindi niya magawa kay Nicole A.
1 comment:
simple lang si jen at madaling pakisamahan,yun na
Post a Comment