Thursday, December 28, 2006

Angel at Richard, perfect match

Tama si Ms. Lorna Tolentino na strong support siya sa Mano Po 5: Gua
Ai Di dahil halos pumantay na siya sa exposure ng mga bidang sina
Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Simple lang ang kuwento ng MP5 na katulad ng mga naunang Mano Po
movies, ang basic conflict ay ang pagmamahalang Pinoy at Chinese.

Very light ang atake nito na bumagay sa young cast kesa kung ginawa
itong madrama at masyadong seryoso.

As usual ay matino ang pagkakadirehe ni Direk Joel Lamangan at
pawang nag-deliver ang kanyang mga artista. Okey ang timpla ng
comedy at love story. Type namin ang pagtatampok sa mga pagkaing
Chinese at `yung mga eksenang nagluluto ang mag-lolang Angel at Ms.
Boots Anson-Roa, sana lang ay medyo hinabaan pa ito at mas nabigyan
ng highlight.

Sobrang guwapo ni Richard Gutierrez sa screen at hanep ang moviestar
aura. Cute siya bilang young veterinarian na nainlab sa hindi niya
kalahi.

Perfect match sila ng ever beautiful na si Angel Locsin, na hindi
lang maganda kundi mahusay pang aktres. Kwela si Ms. LT bilang
purong Chinese na ina ni Angel na kontrang-kontra sa Pinoy na si
Richard.

Halos lahat ng eksena ay nandu'n siya pero pinakaaliw kami sa
celfone scene ni Ms. LT na kiyemeng may kausap siya, wala naman pala!

Ang ganda-ganda ng exposure ni Christian Bautista sa MP5. Tailor-
made sa kanya ang role ng isang sikat na Asian singer na kababata ni
Angel at naging `sagabal' sa pagmamahalan nito at ni Richard.

Very sympathetic ang character ni Christian at kahit `panggulo' siya
sa magka-loveteam ay hindi siya lumabas na kontrabida.

In fairness ay ang laki ng in-improve ng kanyang akting. Swabeng-
swabe ang dating ni Christian at never siyang nagkulang o nag-OA sa
kanyang mga eksena.

Kargado siya ng tamang emosyon kaya naantig kami sa tagpong
nagpapaalam na siya kay Angel at siya na lang ang lalayo at
magpaparaya. Sana, mabigyan agad ng follow-up movie si Christian.

`Katuwa `yung pagsisingit ni Direk Joel ng mga dream sequence gaya
nu'ng well-choreographed fight scene nina Richard-Christian in full
Chinese martial arts costume.

Medyo nanghinayang lang kami sa kapansin-pansing pagbabago ng kulay
at texture ng pelikula sa ilang eksena dahil ang ganda-ganda pa
naman ng look at color ng movie, tapos ay biglang nagkagano'n.

No comments: