Saturday, November 25, 2006

Ryza Cenon, Little Ms. Understood




From Hi! Magazine, December 2006

Barely two years in showbiz, but StarStruck 2 Ultimate Survivor RYZA CENON has already earned titles for herself--"Insecure Queen", "Malandi", "Batang Ahas"--to name a few. Sa one-on-one interview na 'to, Hi! unmasks the person behind the sweet smile and the controversies.

ANOTHER CINDERELLA

Maagang nawala ang mommy mo, di ba? Ano'ng kinamatay niya?
Cancer sa bituka. Hindi ko na po maalala yung itsura niya eh. Sa picture lang.

Ano'ng naging epekto nito sa pamilya nyo?
Nagtrabaho po yung daddy ko, nung una sa Taiwan. Hindi ko po alam kun anong work niya, eh. Mga ilang years after namatay ng mommy ko, nakilala niya yung first stepmom ko na Pilipina rin. Umuwi sila dito sa Pilipinas para magpakasal. Tapos, dun sa bahay ng stepmom ko sa Malabon, dun kami tumira ng kuya ko. Tapos medyo bad ang stepmom ko.

Parang Cinderella ba ito?
Medyo po. Mga ilang weeks after nilang ikasal, bumalik yung daddy ko sa Taiwan para magtrabaho. Nakasama namin yung stepmom namin sa bahay. Hindi po siya nagwo-work nun. Nambubugbog po siya. Binubugbog niya kaming magkapatid. Siguro mga grade two ako nun. Uso pa nun yung Bantay Bata, eh. Pero hindi naman ako nag-attempt tumawag dun. Ha-ha-ha!

Ikuwento mo kung paano kayo binubugbog.
Yung walis tambo, pinapalo kami. Pinapaluhod sa asin. Yung kuya ko nga, pinatulog sa labas ng bahay, eh. Tapos hindi niya nakayanan, naglayas siya nung mga 10 years old siya. Nagpunta siya sa lola ko sa Laguna. Buti nga nakarating siya, eh. So naiwan ako. Nagkaroon kami ng kapatid dun. Ako yung nag-aalaga. ako yung naglilinis. Lahat! Wala kaming katulong.

Baka naman salbahe rin kayo nung mga bata pa kayo?
Hindi naman. Siguro kung meron namang nagawang [kasalanan], bakit naman ganun kagrabe, di ba? Tapos pag maraming pasa, hindi kami papapasukin sa school.

Alam ba ng daddy mo noon yung mga pananakit na'to?
Hindi pa nun. Nasa Taiwan siya, eh... Meron pang time nun, pag malapit na magpasukan, pinagtitinda kami ng ice candy. Yung mga kinita namin, binibigay namin sa stepmom ko. Yun ang ipambibili ng mga notebook at school supplies namin.

Bakit kailangan nyong magtrabaho para makabili ng gamit? Hindi ba kayo pinadadalhan ng allowance?
Ewan ko. Hindi ako mausisa noon, eh. Hindi rin namin tinatanong kung bakit wala kaming pambili ng notebook.

Ano'ng tumatakbo sa utak mo noon?
Ang iniisip ko po noon, kaya kami nagbebenta kasi summer. Hindi big deal sa'kin.

Kailan natigil yung pananakit?
Nung umalis yung stepmom ko papuntang Taiwan. Nakitira ako sa steplola ko na nadun lang din sa compound. Pero ako pa rin yung nag-aalaga ng kapatid ko kahit may school. Nagtatrabaho pa rin ako. Yung katabi ng bahay namin, factory siya. Nagtrabaho ako dun!

Anong trabaho naman ito?
Sa Malabon. Pagawaan ng keychain. Naglalagay ako ng glue sa keychain. Elementary pa lang ako nun.

Pinagtrabaho ka ba o trip mo lang? Sino'ng nagsabi sa'yo na magtrabaho ka dun?
Sila. Yung steplola ko. Para may pera daw po ako.

Magkano ang kita mo sa isang buwan?
Nasa P800. Kasi panghapon ako, so sa umaga ako nagtatrabaho. Dun ko po kinukuha yung allowance ko.

DADDY'S DEEDS

Kailan lang nalaman ng daddy mo ang tungkol dito?
Nung lumayas yung kuya ko nalaman ng tunay kong lola. Nalaman na rin ng daddy ko. Hanggang sa pinakuha na'ko ng lola ko. Nagkasama na kami ng kuya ko sa Laguna.

Bakit hindi ka nagsumbong sa daddy mo about the physical abuse?
Kasi bata pa'ko nun, eh. Ang naiisip ko lang nun, gusto ko nang umuwi dun sa lola ko. Kung alam ko lang nun kung paano...Lalo na nung iniwan ako ni Kuya. Naisip ko noon na sana hinintay niya ako. Nung una, akala ko lang, nasa school siya. Pero nakita ko, nandun yung mga gamit niya sa school. Pero sa cabinet, walang gamit. Ay, lumayas nga!

Kumusta na kayo ng daddy mo?
Sa Abu Dhabi na siya nagwo-work. Wala na sila nung una kong stepmom. Nalaman ko na lang, nag-asawa uli siya ng Pinay. May anak na. Pero ngayon, ewan ko lang kung isa pa lang din ang anak nila.

Sinusuportahan ka pa rin ba ng daddy mo hanggang ngayon?
Ngayon hindi na. Kasi siyempre, may work na daw ako. Basta sabi ko, wag niya lang papabayaan yung kuya ko.

Kilala mo ba personally yung latest mong stepmom?
Nakilala ko siya nung judgment night namin [sa StarStruck]. Nagpunta kasi sila Pero hindi kami talagang nag-usap. Nakita ko lang siya. Yun lang. Ganun din sa kapatid kong maliit. Mga three years old siya.

Galit ka ba sa daddy mo?
Nagalit ako once. Kasi nung Final Four pa lang, tumawag siya sa'kin. Sabi niya, "Uuwi na'ko. Hindi na'ko magwo-work. Diyan na lang ako sa Philippines, magi-stay." Magbi-business na lang daw siya. Parang na0feel ko nun na, "Naku, mukhang ako yata ang pagtatrabahuhin nito, ah! Siya, magpapahinga na lang." Kaya sabi ko po, "Hindi po!" Nung umuwi siya, hindi ko siya kinakausap para maparamdam ko na mali yung desisyon niya.

RYZA AND FALL

Insecure ka raw lalo na sa Batch 3 ng StarStruck in terms of projects at popularity.
No. Ni minsan po, hindi ako na-insecure. Naghihintay lang ako ng para sa'kin. Kung ano man yung ibigay, masaya na'ko dun. So kung mas umaangat sila sa'kin, okey lang. At least ako po stable. Hindi nawawalan. Kunwari mawala ako sa isang show, merong kasunod. So masaya ako dun.

Sa tingin mo, kailangan mo ng loveteam para mas sumikat?
Open naman ako kung merong ipa-partner sa'kin. Kasi yung last loveteam ko, aaminin ko, ayoko talaga sa kanya. Si CJ Muere. May ugali siyang di ko ma-ride. Yung family nila... basta may something na hindi mo kayang abutin. Siguro dahil laki sila sa yaman kaya ganun.

Parang minamaliit ka nila?
Parang ganun. So pinaramdam ko talaga sa Artist Center na ayoko talaga sa kanya. At saka alam naman po yun ni CJ, eh. Hindi ko nga kinakausap yun, eh. Hanggang sa naging solo na lang ako. Pero masaya ako. Kasi parang sa sarili mong sikap, ikaw mismo yung nagpakilala sa sarili mo.

One year after the Mark-Jennylyn "ahasan" issue, meron pa ring mga hindi naniniwala na wala kang kinalaman sa hiwalayan nila. Kinalantari mo nga ba talaga si Mark?
Hindi talaga totoo yan. Yan yung sa airplane, di ba? Nakita daw niya [Jennylyn] sa harapan niya may nangyayaring kissing. Ni hindi kami magkatabi ni Mark! Paano mo magagawa yun na ang daming tao? Marami ring artista. Kung meron mang nakitang ganun, eh, di sana marami na ring nagsasalitang artista na nakita nila.

Saan niya kaya nakuha yung kuwento? Bakit of all StarStruck artists, ikaw yung napili niya?
I don't know. Kasi yung sa Lovestruck, kami ni Mark ang palaging magkasama nun dahil kami yung magkapatid dun, eh. At that time, hindi na sila.

Pinormahan ka ba ni Mark?
Hindi. Kasi si Mark, malambing sa lahat. Kaya gusto siya ng lahat ng tao. Pero hindi ko siya gusto kasi playboy siya.

Saan naman nanggaling yung Cogie Domingo-Lovi Poe "ahasan" issue?
Hindi ko po alam!

Nag-umpisa raw ito nung nag-react ka sa isang blind item.
Actually, hindi ako nag-react. Kung ako yung tatanungin nyo, dededmahin ko talaga siya. Pero yung network ang nag-react regarding dun dahil hindi na daw tama. It's so unfair to me daw.

Textmates nga ba kayo ni Cogie?
No. First time ko siyang nakita at nakatrabaho sa Love to Love. Then meron kaming promo sa Eat Bulaga!, tapos nagkayayaan mag-lunch. Ako hindi na pwede kasi meron pa akong trabaho. Tapos tinext ako ni Cogie, "Uy sayang naman hindi ka makakapunta. Kung makakaabot ka, punta ka." Ganun lang. Parang friendly text lang. Nireplyan ko lang siya ng, "Sorry, ha. May work pa'ko, eh." Tapos minsan nagte-text siya, "Uy, musta?" Hindi po ako nagre-reply. Tamad akong mag-reply, eh. Ha-ha-ha!

Sino kaya'ng gumawa nito sa'yo?
Hindi ko alam. Sabi nga nila sa'kin, merong taong gusto talaga akong pabagasakin.

FULL FORCE

Sa experience mo, sino'ng mas mahirap ka-issue, si Jennylyn o si Lovi?
Si Jen! Kasi yung kanya, lumaki talaga, di ba? Etong Cogie-Lovi konti lang, eh. Nasolusyonan agad. Kay Jen kasi, parang padagdag nang padagdag yung issue every day. Iba't iba nang statement yung naririnig ko.

Saan ka pinakanasaktan?
Sa lahat ng mga sinasabi nila! Sa SOP, nung nandun yung mother ni Jen. Tapos pinariringgan ako. "Malandi yan! Maarte yan!" Eh sobrang dami ng tao sa rehearsal studio. Nandun yung mga dancers. Lahat!

Hindi siya pinipigilan ni Jennylyn?
Hindi. Binabantayan kasi siya ng mommy niya, eh.

Totoo bang binangga ka ni Jennylyn one time nung kainitan ng issue?
Yeah. Nung rehearsal yun. Nagkasabay kami ng rehearsal, magkasama kami sa dance. Natapos na yung rehearsal ko, nauna akong umalis sa kanya. After nun, biglang kasunod ko na siya sa likod. Magkatabi kami ng P.A. ko na naglalakad. Tapos dun siya dumaan sa gitna. Talagang hindi siya nag-excuse. Hindi siya nag-sorry. Natalisod ako. Dire-diretso lang siya. Hindi niya ako nilingon. Ako, dedma lang. Ang dami niyang kasama. Ewan ko. Baka natatakot silang sugurin ko, or what. Ha-ha-ha-ha! Marami talaga siyang kasamang mga kaibigan, mga fans. Pag nagkakaroon siya ng issue, lalo na pag rehearsal, full-force! Siguro binabantayan siya. Basta pag may issue siya.

Hindi mo ba sinubukang i-approach siya para sabihing tigilan niya yun?
Kasi, once na ginawa mo yun, sasabihin lang sa'yo, "Bakit defensive ka?" Lalong gugulo.

Ano'ng natutunan mo sa experience na yun?
May time na laging siya yung kinakampihan. Tine-text niya ako, minumura niya ako. Sabi niya, "Baguhan ka lang. Kaya kitang pabagsakin. Una, ipagkakalat ko sa buong Encantadia yung mga ginagawa mong kahihiyan." So, kinalat nga niya kahit di totoo. Sa staff, artists. Pangalawa, sa press. Siya ang nagkalat, eh. Sa lahat! Then, sa Artist Center, yung sa pinaka-boss na. Siya yung unang kinakampihan kasi nga masalita siya. Tapos na-save ko yung mga text niya, finorward ko kay Direk Rommel Gancho. Ayun, nakita na siya yung nang-aaway, hindi ako. Tapos nilagay sa press. Pero pinagalitan ako ng Artist Center kasi nag-send ako ng ganun. Nung time na yun, sobrang daming projects ni Jen. Siyempre mas kakampihan nila yung mas maraming projects. Mas kumikita sila dun. So ako, hindi nila ako ganun kakampihan kasi konti lang yung akin. Dun ko lang nalaman na ganun pala, pag marami kang kinikita sa isang artist, kakampihan ka kahit mali ka.

Sa issue ni Lovi, ganun din ba?
Ay, hindi. Ako na po yung kinampihan.

Dahil mas mataas ang kita mo kaysa sa kanya?
Ha-ha-ha! Hindi naman po.

Ngayon, okey na kayo ni Jen?
Dami niyang kaaway, eh. He-he-he. Bukod kay Alex (Alessandra de Rossi), madami. Wala na siya sa SOP kasi nga marami siyang kaaway dun. Iba ang ugali niya sa screen saka sa off-cam.

Nung magka-issue sila ni Alex, honestly sino'ng pinaniwalaan mo?
Si Alex.

Sa tingin mo, totoo kayang tinext niya si Jeremy [Marquez]?
Kasi, ganito po yun. Kilala naman po natin si Alex. Palaban talaga yun. Lalaban siya kung may rason siya, di ba? Meron naman daw siyang proof. Nakita naman, eh na nagte-text. At saka alam ko rin.

Nagsisisi ka ba na nag-artista ka?
Nung una, nagsisisi ako. Bakit pa'ko pumasok. pwede namang nanahimik na lang ako. Pumapasok na lang sa utak ko na siguro may reason si God kung bakit ako pumasok dito. +++

PLAYTIME WITH RYZA

There's still no telling when this cinderella will reap her happily-ever-after. But she sure welcomes a dose of playtime every once in a while, that's for sure.

Word Association...

MARKY CIELO
- Igorot. Ha-ha-ha!

COGIE DOMINGO
- Wag na lang. Bad, eh!

MARK HERRAS
- Bad boy.

CJ MUERE
- I don't know.

JC DE VERA
- Tita Anabelle.

JENNYLYN MERCADO
- Bambini!

LOVI POE
- FPJ.

Fill in the blanks

1. Kung buhay lang ang mommy ko...
...wala ako dito, nasa school.

2. Kung hindi ako artista ngayon, isa akong...
...student ng Computer Programming.

3. Kung liligawan ako ni...papakasalan ko siya.
...Orlando Bloom...

4. Kahit kelan, hinding-hindi ko magagawang...
...iwan ang pamilya ko.

5. Kung may isang bagay na pwede kong baguhin sa buhay ko, ito ay...
...lahat ng maling ginawa ko mula pagkabata ko.

Monday, November 20, 2006

Marky Cielo sa "Ang Pinaka"


Panelists on Marky:

MANNY VALERA: "Napakahardworking na bata. Napakagandang attitude and given that traits in him, I think dapat lang naman siyang gantimpalaan ng isang rewarding career."

DIREK RICO GUTIERREZ: "He is like the male Nora Aunor. Of course not the same stature right. But if you think about it, parang ganon. Extremes eh. At saka ang ganda din ng history niya sa Benguet. He is a natural, I think. Siya yung isa sa intelligent actor natin."

FREDDIE SANTOS: "Marky is really fantastic."

DIREK LOUIE IGNACIO: "Siya yung perfect winner. Magaling siyang umarte. Magaling sumayaw."

IDA HENARES: "Very good disposition si Marky. Maganda ang work attitude."

FREDDIE SANTOS: "Number one quality niya is singing and dancing. Pero sa akting siya sinasalpak. Pero kung mahahasa sana yung kanyang pag-aawit at pagsasayaw, wow! You can have a major star there. As in major star!"

IDA HENARES: "He is the good role model because clean living, and he practices that. He is wholesome and a good boy, responsible. Given some time, he can also develop into a very good actor."

DIREK LOUIE IGNACIO: "Never siyang nale-late sa kahit saang rehearsal. Very apologetic pag nagkakamali. Larawan siya ng isang artista na pwedeng ma-idolo ng maraming kabataan. Tuloy-tuloy, di malalaos yan. Practice lang, Marky, as usual sa pagsasalita mo nga lang. Pare-pareho naman kayong lahat."

DIREK RICO GUTIERREZ: "Panalo siya pero di siya goodlooking Pinoy, hindi siya tisoy, yun palang advantage na kasi iba ang look mo."

DIREK KHRYSS ADALIA: "Pwede siyang Bembol Roco ng ating panahon. Bembol is not gwapo naman pero naging character siya. Ang galing."

MANNY VALERA: "I know that in time he would be able to prove to one and all that he deserves a place in the industry."